It's 10:48 in the evening and it's cold outside. Today is September 22, 2014, Monday. It's been 3 nights since he admit na he fall out of love. We've been together for 9 years and 7 months and we are in this situation. We have 1 daughter (1 year and 3 months old ) and we LOVE her. And that is the only thing na pinanghahawakan namin ngayon to not let go of our relationship. WE choose to HOLD ON because we LOVE our daughter that much. Peru ang sakit lang! Kasi, MAHAL ko eh...There were times na umabot din ako sa point na "ayaw ko na" peru di ko magawa. Maybe, because I think in a way na "SAYANG"...those lovely years, happiness and sadness will never be forgotten. I really treasured our moments together. Yun bang tipo na kokontrahin mo si tadhana para lang maging kayo talaga. Kasi para sa akin, we have to fight to have our own "forever". Siguro nga magkaiba kami ng prinsipyo at pag-iisip. Sabi nya nga "hindi talaga tayo match". Peru diba kapag gugustuhin nating kilalanin sila at tanggapin...magiging ok din naman diba? Yun bang, tanggap mo kung ano siya. Kaya walang match match or compatible sa akin. Tanga ko lang kasi!
Pinipigilan ko sarili ko na huwag magalit at intindihin nalang siya sa lahat ng bagay, well, siguro, nahihirapan din siya na intindihin ako. Peru kasi, kung gugustuhin mo talaga na intindihin ang isang tao...maiintindihan mo talaga kahit na gaano pa ka komplikado ang lahat...peru pag ayaw mo talagang intindihin..gagawa at gagawa ka ng rason para mag-iba paniniwala mo. Honestly, nagseselos ako sa ibang couple na kilala ko kasi alagang-alaga sila ng mga partner nila...kitang-kita sa mga kilos at mata nila na mahal nila ang isa't isa...(masyado akong echoos!) Nakakalungkot lang kasi isipin na mahal tapos ayaw sayo. Sakit kaya nun'. Hindi ko siya maintindihan, ang hilig niya magmatigas...Minsan nga pagnag-aaway kami, di niya nga inaadmit na may mali siya. Grabe taas ng PRIDE. Akala mo naman mabubusog siya ng pride niya. Kakainis diba?
Gusto kong lumaban para sa relasyon namin..gustong gusto ko...peru tinutulak niya ako palayo. Ang sakit lang! Ilang beses ko na sinabihan ang sarili ko na dapat sumuko na ako kasi marami pa namang lalaki dyan eh, yung tipong mas aalagaan ako, yung mas mamahalin ako, tapos yung hindi ako papaiyakin at ipaparamdam sa akin na importante ako, na gagawin nya akong parte ng buhay niya. Ganun lang naman sana e, mahirap pala ibigay yun. =( For 9 years that we are together, ilang beses ko din naramdaman na panghuli lang aq sa lahat ng importante sa kanya. Hahaha! Nakakatawa lang isipin yung mga emo moments ko... ilang luha din ang nasayang. Hanggang kelan kaya ako ganito...ahahaha (bobo lang ang peg)
Haaaayyy..I only wished na sana maintindihan niya ako...babaan niya yung pride niya at magmature. Isipin niya din sana minsan na hindi sa lahat ng oras o sa lahat ng bagay eh tama siya...dapat matanggap niya rin sa sarili niya na nagkakamali din siya. Ang mahirap lang, hindi ko masabi sa kanya lahat nang ito kasi ayaw niya makinig. Kaya nga idinaan ko nalng sa paggawa nitong blog. Atleast, it will lessen the pain. Everyday, iba iba ang goal ko...napanghihinaan ng loob oh di kaya go lang ng go. hehehe..minsan kasi sumasagi sa isip ko yung mga sinabi niya sa akin dati na kapag nag aaway kami at may mga nasabi siya na di maganda...hindi daw totoo. Sana naman sa sitwasyon namin ngayon e...hindi rin totoo T_T iiyak ako ng de lata... ahhaha...kawawa baby namin kapag pinabayaan namin tong lumala.
In everyday, during our conversation in skype, facebook or even text messages yung parang niloloko ko nalang sarili ko, I keep thinking na I have to make him smile to atleast he will realize then what we were before. Peru binabara niya ako eh! kakainis diba. Hanggang iyak nalang din...tsk tsk..sobra sobra na diba. Right now, he is planning to go to a city, 6 hours by bus, to work. Medyo malayo din. I know, he also wants na lumayo muna, maybe to think or to keep himself busy sa work. I am just hoping na he will soon realize na I love him. And I know, andun parin ako sa puso niya...nakatago nga lang kasi nga nagsusuplado. hmmm...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento